Blog

Posted in Filipino Poetry

Hay, Buhay!

"Ang buhay ay sadyang ganyan. Umaaraw, umuulan"
Kinakanta ng paulit-ulit sa isip
umaasang minsan pa ay mahagkan 
ang kakayahang tumingin sa positibong punto ng bawat ganap
ng bawat pagpapanggap

Oo, mapagpanggap ang mundo
ikinukubli sa ating paningin 
ang mga dapat nating maaninag.
Pagmasdan,
titigan mo ang nagpapanggap na paraiso
naghahanap na naman ng masisilo

Magpakatatag ka,
paganahin ang paningin
di lamang sa pamamagitan ng mga mata
damhin..
buksan mo ang damdamin
hayaang pasukin ito ng rumaragasang unos -
ulan ng masasakit na salita,
apoy ng naglalagablab na kabiguan,
lindol dulot ng pagyanig ng pananampalataya

Kayanin
akayin mo ang sarili mong mga mata
na masanay sa kulay ng buhay
at lumikha ka ng liwanag sa gitna ng paglalakbay
ng paglalakbay mo sa kadiliman ng mundo.
Advertisements
Posted in Filipino Poetry

Lakan

Huwag kang magtaka kung marinig mo ang pangalan mo sa kawalan
dahil sa tuwing hindi kita kapiling,
ibinubulong kita sa hangin

Huwag kang magulat kung nakikilala ka ng dagat
dahil palagi kitang ikinukuwento sa mga along maalat

Huwag mong masamain kung hindi ko madalas sambitin
ang mga salitang, "Namimiss na kita"
dahil kailanman ay hindi ka nawala sa'king isipan.
Posted in English Poetry

N/A

I was born to be something but enough
I am stuck
in a maze of expectations
wired to do things I do not like,
destined to embrace the chains of frustrations
that bind my own dreams.

I am made to be the doer of their facinations
of their illusions
of their own frustrations.

I am and can be anything but myself.
Posted in English Poetry

Lupus

Her heart is so full of love
Yet belongs to no one but herself
Losing connection with the norm is her favorite hobby
Defiance is dancing through her veins

Misunderstood,
She's always on that state
But never gets hurt
For she knows how the wolves are being treated - 
How they are being restricted, imprisoned, killed and become endangered

She knows exactly how people deal with matured ones
She can understand that not all her kind
Has the capacity to reach the level of her maturity
But just like the wolves
She will never stop howling for freedom.
Posted in English Poetry

Solis~

The air instruct me to turn around
The rays of the sun guide my sight
The universe whisper upon me to look at you
To see your insides without dissecting you
Or even doing it in malicious ways

I am lucky to witness your magnificent composition - 
The flaws, the potentials, the perfect combination
of your colorful imperfections

You are like the sun
Your radiant glows from within and is contagious 
Your warmth is enough to lift my mood

You are the star who is dearest to my heart
And closest to my soul.
Posted in Filipino Poetry

Sam pala taya, Sampalataya

Nagtagpo na naman ang landas ng gabi at umaga
At sa malimit na pagkakataon
Gaya ng nangyari lang kahapon
'Di na naman maaninag ang dapat na nagliliwanag

"Si Sam na pala taya e, inuman na!"
Paulit-ulit isinasambit
ng mga kabarkadang mapilit, nangungulit,
Pinipilipit ang paniniwala mo
Iniaalis ang pagkakakapit mo
Sa mga aral na katatanggap mo lang nang isang araw

Naalala mong muli 
Ang narinig mong payo ukol sa buhay
"Maiksi lang ang buhay. Dapat sulitin 'to at patingkirin ang kulay"
At dahil nga sa kagustuhan mong kulayan ang buhay
At sa barkada'y makibagay 
Hinayaan mo na lang na minsan pa ay magpatangay

Ngunit
Sa kalagitnaan ng kasiyahan
Dumapo ang 'yong paningin 
Sa isang maliit na kahon
Kulay pula, may mga puting letra
Malinaw na nakasulat ang salitang LIWANAG

Ang boteng kanina mo pa hawak
Ay dagling tumigil sa ere
Nanatiling bukas ang bibig mo
Pagkagulat ay bakas sa mukha mo
Nagtaka ang buong tropa, natawa ang ilan sa kanila

Natauhan,
Bigla mong naunawaan
Ang salitang IWAN sa "lIWANag"
Dapat ay lubusan mo nang iwan
Ang mga gawaing pansanlibutan
Nang sa gayon ay ganap ka nang magliwanag

Makalipas ang ilang mga araw,
"Si Sam pala taya ngayon. 'Di ba Sam papainumin mo kami?"
Minsan mo pang narinig ang pamilyar na mga kataga
Pero dulot ng iyong pagsampalataya
Kinaya mo nang ngumiti na lang sa kanila
Ipihit ang 'yong mga paa
At taas noong tumungo sa kapilya.
Posted in English Poetry

Lost Friend

I have a friend
a guy friend who's close enough to be a boyfriend
an in between of brother and best friend

He makes me feel special
treats me like a lady when I am not ladylike
comforts me whenever darkness enclasp me

He strips off his armor
so I can see him emotionally naked
he allows my energy to lift him up when he's feeling down

We love each other with no malice
and I know I should be glad to have him as a friend
but I am not, for I am now abandoned

I am left with memories of his laughter and tears,
of his eyes that always turn into straight lines,
with idea of him talking to me about his dreams

I had a friend
a guy friend who is now far enough to be called a friend
an in between of memory and illusion.

Photo credit:http://enpundit.com/powerful-black-and-white-photography-by-benoit-courti/