Posted in Filipino Poetry

Salamat Ako’y Namulat

Pinaalala sa'kin ng ulap
na okay lang maging mahirap
dahil mas madalas pang tumingala ang mga taong dukha,
mas malimit nilang nakikita
ang gandang 'di basta maipamamalita

Tama naman hindi ba
karamihan sa nakatataas bihira na ngang tumingala
madalang pang magpakumbaba

Muli, binulungan ako ng hangin
na Ikaw ang dapat kong lapitan
Ikaw ay nararapat kong sambahin
hindi ang mga taong mapagmapuri
o ang sarili kong katangian

Tinakpan ng araw ang aking mga mata
tinulungan ako nitong makita
ang lahat ng kabutihan Mo sa pamamagitan ng pakikiramdam

Ipinadama sa akin ng bagyo
ang tunay na kahulugan ng katatagan
ipinadama sa akin ng lindol
ang tibay na Sa'yo ko lang makakamtan

Nadama ko ang yakap ng pag-ibig Mo
sa mga gabing kaylamig
sa mga umagang binalot ng dilim
nadarama ko ang aktibo Mong pakikinig
sa mga dalangin kong mataimtim

Bawat damdamin at bawat gawin
ay nagpapahayag ng kapangyarihan,
ng Iyong kaluwalhatian

Kaya salamat ng marami
salamat sa ganitong kaloob,
sa ibiniyayang pagkaunawa 
at sa pagpapalakas ng aking loob

salamat sa'yo Ama
pinahintulutan mong ako'y mamulat
hindi lang basta makakita.

Photo credit: https://www.flickr.com/photos/thomas_g_clark/6033219945
Advertisements

Author:

I write in order to live

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s