Posted in Filipino Poetry

Mga Letrang Mahiwaga

Bawat sulat mo ay matiyaga kong binasa
inabangan ang pagtatalik ng 'yong papel at pluma
ang pagdampi ng mga tinta sa kanlungan ng bakanteng pahina
ang pagbuhos ng emosyon mula sa mga nakalipas
ang patuloy na pag asa sa pamamagitan ng pagtakas

Hindi ka nag-atubiling sulitin ang pagkakataon
kung sa'n posible ang pag ahon
hindi ka nagsawang mangarap at bumangon
sa araw-araw na hinubog ng iba't-ibang hamon
pinag-aralang mainam ang paghakbang palabas ng kahon

Ipinakita mo sa mga bukas ang isipan
ang katotohanan ng buhay, 
ang tunay nitong kulay

Inunawa ko ang mensahe ng bawat mong tula
pinatibay ng taglay nitong mga letra ang aking sikmura
kaya't nakayanan kong harapin hindi takasan
ang dilim kung sa'n di mo piniling maglakbay. 

Photo Credit: tumblr_static_99zkbh011dcso0okowswo04wg
Advertisements

Author:

I write in order to live

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s