Posted in Filipino Poetry

Lumayo, Lumaya

Isusulat ko sana
ngunit nabigla ako
sa luhang nakipag-unahan sa tinta
ng panulat na kanina ko pa ipinaiikot
sa mga daliri kong matagal nang nilisan ng 'yong pagkalinga

Natigilan ako,
hindi na 'ko nakapagsulat
subalit nakabuo ako
ng mapang mag uugnay sa ating mga damdamin
gamit ang mga patak ng tahimik na ulan mula sa'king mga mata

Nagulat ako
sa nabuong mapa sa aking imahinasyon
at sa nadurog na papel dulot ng aking emosyon

Nagulat ako..
hindi,
natakot ako
sa mga haplos ng hangin
na dati kong inihalintulad sa pag-ibig mo
na gustuhin ko mang ikulong sa sistema ko ay nakahanap pa rin ng daan palabas, 
ng landas sa pagtakas

Natakot akong sumulat muli
pero may isang taong nagpaalala sa akin
na ang pagtula ay pagpapalaya,
pagpapalaya ng damdaming pilit ikinukubli
pagpapalaya sa mga salita,
mga katagang hindi ko alam kung paano sa'yo isasambitla,
paglayo ng unti-unti sa mga nagdudulot ng sakit
pag alis sa nakasanayang pag-ibig 
at pag bitaw sa mahigpit na pagkakakapit.
Photo credit: Amine Fassi (http://www.thephotoargus.com/60-inspiring-examples-of-black-and-white-photography/)

 

Advertisements

Author:

I write in order to live

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s