Halika pasukin mo silipin ang isipan ko walang itinatago suriin at pagmasdan mo Basahin ang mga salita mga ideyang lumalangoy sa isip ko pagkairita ay pigilan huwag nang magbulag-bulagan Ito'y puno ng imahinasyon hango o tungo sa ibang dimensyon hindi kapani-paniwala ngunit totoong nakahahalina walang katapusang paraiso ang laman ng isipan ko halina't iwan ang kasalukuyan ihubad ang kalasag, takot ay kalimutan sariwain ang 'yong buhay ibalik ang nawalang kulay kamay ko ay hawakan sabay nating hanapin ang kaligayahan Photo Credit: https://www.pinterest.com/explore/black-white-photography/
Advertisements