Posted in Filipino Poetry

Confession of a Happy Person

Matagal ko nang gustong simulan ang pagtatapos
Nakakapaos, nakakapaltos, nakakaubos
Ng lakas at oras
Nakakapagod, gusto ko nang tumakas

Maaari bang sa pagkakataong ito 
Ako naman ang humingi ng tulong
Ako naman ang hihingi ng saklolo
Dahil inaamin ko
Di pa rin sapat ang taglay kong dunong

Samahan mo 'kong hanapin ang sagot
Kung paano ko tatapusin ang nasimulan
Tulungan mo akong makalimot
Makaalis sa pinagmulan - 
Sa mga ala-alang masalimuot
Sa mga nakaraang puno ng takot at poot

Nakakahingal din palang maging hingahan ng iba
Nakakapuno rin palang maging tagasalo ng dalahin nila
Hindi ko naman mapigilan
Patuloy pa rin ako sa pagpapaka-unan 
Na handang sumalo ng mga luha - 
Mga nalusaw na pag-asa 
Mula sa pusong tila ba sinlamig ng yelo
Pero sa totoo,
Isang marupok na bato
Na bigla na lang magkakapira-piraso
Gaano man kaingat ang pagkahawak dito

Sa pagkakataong ito
Ako naman ang hihinga
Ako naman ang magpapahinga 
Sa mga pasanin kong pinilit na isantabi
Pinilit ikubli sa mga mata ng taong mapanghamak
Sa mga tainga ng taong mapangwasak

Ngayon, 
Ilalahad ko na ang totoo
Na ako ay nauupos na
Kaunti na lang ay mauubos na
Kaunti na lang ay lilisanin na
Ng kapayapaang matagal ko nang niyayapos
At ng katinuang akala ko'y walang pagkakapos.
Photo Credit: http://www.slideshare.net/guimera?utm_campaign=profiletracking&utm_medium=sssite&utm_source=ssslideview
Advertisements

Author:

I write in order to live

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s